WebClick Tracer

Highlights sa unexplained wealth ni VP Sara ipapasok na

Ngayon pa lamang ay inaasahan na ng prosecution team na uulan ng cross examination question at interjections mula sa mga senator-judge dahil ipapasok na nito ang highlights o pinakaimportanteng bahagi ng unexplained wealth ni Vice President Sara Duterte.

Ito ang nabatid kay lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro kaugnay ng nakatakdang pagsalang kay Anti-Money Laundering Council (AMLC) Executive Director Ronel Buenaventura sa witness stand.

“Kumbaga ito na yung isa sa mga highlights ng unexplained wealth,” ani Luistro dahil irereport aniya ng AMLC ang mga suspicious at covered transaction sa mga bank accounts ng pangalawang pangulo at mister nitong si Atty. Manases Carpio.

“That is why we are anticipating a lot of cross-examination questions and even interjections coming from the senator-judges,” dagdag pa ng mambabatas.

Unang kinumpirma ng AMLC sa House justice committee na pinamunuan ni Luistro na may P6.7 bilyon na perang gumalaw mga bangko ng mag-asawang Duterte-Carpio kung saan P4 bilyon umano ang pumasok na pera at P1.5 bilyon ang lumabas.

Sinabi Luistro na ang namonitor ng AMLC na bank transaction ng mag-asawang Duterte-Carpio ay suspicious at covered transaction at mismo ang mga bangko at nagreport sa nasabing ahensya.

Base sa batas, inoobliga ang mga bangko na ireport sa AMLC ang mga bank transaction kapag lagpas ito sa P500,000 na siyang tinatawad na covered transaction at maging mga kaduda-dudang deposition kahit gaano man kaliit ang halaga nito. (Bernard Taguinod)