WebClick Tracer

Gawang Pinoy na popemobile ginamit ni Pope Leo

Pope Leo XIV riding the Filipino-made Isuzu D-MAX popemobile during his visit to the Sanctuary of Our Lady of Lourdes in France.

Ginamit ni Pope Leo XIV ang isang Filipino-made Isuzu D-MAX Popemobile sa kanyang pagbisita sa Sanctuary of Our Lady of Lourdes sa France.

Isinagawa ang pagbisita noong Setyembre 27, kung saan binati at binasbasan ng Santo Papa ang mga peregrino.

Ang sasakyan ay ginawa ng Isuzu Gencars at Almazora Motors at may disenyong inspirasyon mula sa tradisyonal na banig.

Ang unang bersyon nito ay ginamit ni Pope Francis sa kanyang pagbisita sa Pilipinas noong 2015.

Matapos ang pagbisita, gumawa pa ng ikalawang D-MAX Popemobile para sa Vatican at personal itong dinala sa Holy See noong Oktubre 2015.

Makalipas ang mahigit isang dekada, patuloy itong ginagamit ng Santo Papa. (AM)