WebClick Tracer

Fire Officer Examination phase out na sa CSC

Phase out na sa Civil Service Commission (CSC) ang Fire Officer Examination (FOE) matapos makabuo ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng sapat na pool ng mga kwalipikadong aplikante para sa kanilang recruitment needs.

Ang huling FOE ay isinagawa noong Hunyo 7, 2026, kasunod ng kahilingan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ihinto ang hiwalay na pagsusulit.

Ayon sa CSC nitong Huwebes, naging posible ito dahil sa mga reporma ng BFP na nagpalakas sa kanilang human resource at recruitment system, kaya hindi na kinakailangan ang standalone FOE.

Gayunman, mananatiling balido habambuhay ang lahat ng Fire Officer Eligibility na naipasa at nakuha na, kabilang ang mga pumasa sa huling pagsusulit.

Magkakabisa ang CSC Resolution No. 2601044 15 araw matapos itong opisyal na mailathala. (AM)