Responsibilidad ng Kongreso at mga local government unit (LGU) na protektahan ang mga kabataan, hindi lamang sa online kundi maging sa offline, kaya gumagawa ang dalawang kapulungan ng batas para dito.
Ito ang mensahe ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na magkasama ang Kongreso sa 2026 League of Municipalities of the Philippines (LMP) Visayas Island Cluster Conference sa Clarkfield, Pampanga.
“Ito ang gusto nating partnership sa pagitan ng national at local governments. Gumagawa tayo ng mga batas sa Kamara, pero sa ating mga bayan at barangay natin nakikita kung gumagana ba ang mga ito,” ani Dy.
Ayon sa lider ng Kamara, inaasahang maipapasa na ang panukalang batas para sa responsableng pagmamay-ari ng baril at pagbabawal sa mga kabataang na wala pang 13 anyos ang edad na gumamit o magkaroon ng social media accounts.
Gayunpaman, kailangang aniya ng mga local officials para maipatupad ang mga panukalang ito kapag naging batas.
“Kailangan natin ang ating mga mayor, barangay officials, kapulisan, paaralan, social workers, at mga magulang upang gawing tunay na proteksyon sa ating mga anak ang mga batas na ito,” ayon pa kay Dy.
Ang nasabing mga panukala aniya ay mabuo matapos ang mga naganap na shooting incidents sa ilang paaralan sa bansa tulad ng San Jose National High School sa Tacloban City noong June 2026, Ateneo de Zamboanga University noong Agosto at Banga National High School sa Banga, South Cotabato noong nakaraang buwan.
“Such a measure is necessary, because our responsibility to protect a child does not end when that child goes online. Whether they are walking into a classroom or logging onto a social media platform, our children deserve an environment designed with their safety in mind,” ani Dy.
Gayunpaman, kailangan aniya ang tulong ng mga local officials para maipatupad ang mga panukalang ito kapag naging batas kaya ngayon pa lamang ay hiningi na niya ang tulong mga nasabing mga local executives mula sa Visayas region.
“Bilang dating local chief executive, alam kong ang mga mayor ay hindi lamang implementers of government programs. Kayo rin ang mahalagang tulay sa pagitan ng national government at ng ating mga mamamayan. Ang tagumpay ay mararamdaman natin sa kapanatagan ng mga magulang, sa kaligtasan ng ating mga anak, at sa tiwala ng ating mga kababayan sa atin pong pamahalaan,” ani Dy. (Bernard Taguinod)


