WebClick Tracer

DA pinatigil pag-export ng ube para ‘Pinas maging No. 1

Ipinaliwanag ni Agriculture Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr. ang desisyon ng Department of Agriculture (DA) na ipahinto ang pag-export ng fresh ube.

Sa panayam sa “Business 360” ng Bilyonaryo News Channel, sinabi ng kalihim na mataas ang demand sa ube sa loob ng bansa habang kulang ang planting materials para mapalawak ang produksiyon.

Dagdag pa ni Laurel, isa rin sa dahilan ng pagbabawal muna sa pag-export ng fresh ube ay ang posibilidad na itanim ito sa ibang bansa at maging kakumpitensiya ng Pilipinas sa hinaharap.

“Pina-ban ko ‘yung export niyan because it may be brought to another country, planted there and they will compete with us eventually,” saad niya.

“Dapat tayo mauna and we have to be number one. I always want to be number one so that’s part of the plan,” dagdag pa niya.

Panoorin ang buong panayam sa October 1 episode ng “Business 360”.

Mapapanood ang “Business 360” tuwing alas-10 ng umaga mula Lunes hanggang Biyernes sa Free TV: Channel 31, Cignal: Channel 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TVs, Blast TV, AmasianTV, Cignal Play at sa official YouTube and Facebook accounts ng BNC. (IS)