WebClick Tracer

DA isinusulong pagtaas sa pork tariff

Isinusulong ni Agriculture Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr. ang pagtataas ng tariff o buwis sa imported pork para mas makalaban ang mga lokal na nag-aalaga ng baboy.

Sa panayam sa “Business 360” ng Bilyonaryo News Channel, sinabi ni Laurel na patuloy na lumalaki taon-taon ang industriya ng baboy sa bansa at maaari pa itong lumago kung mas mapoprotektahan laban sa imported pork.

“As far as the pork is concerned, ang position ng DA and my personal position is I want to increase the tariffs,” aniya.

Saad pa niya, makakatulong ang mas mataas na tariff para mabawasan ang pagpasok ng imported na baboy o maging mas mahal ang mga ito kumpara sa lokal na produkto.

Sinabi rin ni Laurel na mayroon nang bakuna laban sa African Swine Fever, kaya nakikita niya itong pagkakataon para lalo pang mapalago ang lokal na industriya ng baboy.

Panoorin ang buong panayam sa October 1 episode ng “Business 360”.

Mapapanood ang “Business 360” tuwing alas-10 ng umaga mula Lunes hanggang Biyernes sa Free TV: Channel 31, Cignal: Channel 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TVs, Blast TV, AmasianTV, Cignal Play at sa official YouTube and Facebook accounts ng BNC. (IS)