WebClick Tracer

Chinese research ship tagumpay na napaalis ng PCG sa Batanes

Matagumpay na napaalis ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Chinese research ship na namataan sa karagatan malapit sa Itbayat, Batanes matapos ang tuloy-tuloy na pagbabantay ng PCG nitong Huwebes, Oktubre 1.

Ayon kay PCG Spokesman for the West Philippine Sea Rear Adm. Jay Tarriela, patuloy na mino-monitor ng BRP Teresa Magbanua ang naturang barko hanggang sa tuluyan itong makalabas sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Dagdag niya, umalis ang Jia Hai Ke 7 sa lugar bandang tanghali at tumungo pahilaga, kasama ang barkong 2503 ng China Coast Guard.

Kinilala ang barko bilang Jia Hai Ke 7, na unang namataan ng PCG na nasa humigit-kumulang 38 nautical miles northwest ng Itbayat noong Setyembre 28.

Ayon sa PCG, nanatili ito sa lugar at nagsasagawa ng illegal marine scientific research. (IS)