Hindi napigilan ni Pinay tennis star Alex Eala na sermunan ang isang fan na nambato sa kanya ng sumbrero para humingi ng autograph.
Viral ngayon sa social media ang paglalakad ni Eala habang nagpapasalamat at kumakaway sa mga fan nang may naghagis ng puting sumbrero sa kanya.
Napahinto naman ang Pinay at ibinaba ang kanyang bitbit na bag at raketa para kalmadong komprontahin ang lalaki.
Lumapit si Eala sa fan at pinagsabihan ng “Sir, hindi ka dapat nagtatapon ng mga gamit sa player.”
“You say it nicely, I will sign for you. Kaya ‘wag ka magtatapon, please,” dagdag pa niya.
Humingi naman ng paumanhin ang lalaki at napagbigyan naman siya ni Eala sa hinihingi nitong autograph. (AM)


