Hindi na makakalaban para sa gold medal si Alex Eala matapos siyang talunin ni Wang Xiyu ng China sa semifinals ng women’s singles tennis sa 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan nitong Huwebes.
Natalo si Eala, 6-3, 3-6, 2-6, kahit nakuha ang unang set at nagkaroon ng magandang simula sa laban.
Dahil dito, bronze medal na lang ang maiuuwi ng Pinay tennis star, kapareho ng kanyang nakuha sa 2023 Asian Games sa Hangzhou, China.
Si Eala ang No. 1 seed sa event at World No. 18 sa WTA rankings, habang nasa No. 85 si Wang.
Magtutuos sa gold medal match si Wang at kapwa Chinese player na si Zhang Shuai, na tinalo si Yuliya Putintseva ng Kazakhstan, 6-4, 6-2, sa hiwalay na semifinal pairing. (IS)


