Nominado si “Agenda” anchor Willard Cheng sa 2026 Asian Television Awards!
Nominado ang Bilyonaryo News Channel anchor bilang Best News Presenter o Anchor sa 31st Asian Television Awards.
Nakatakda ang awarding ceremony sa Nobyembre 13 at 14 sa Hoa Binh Theatre sa Ho Chi Minh City, Vietnam.
Ang Asian Television Awards ay ang pinakamalaki at pinakamatatag na recognition platform para sa video content at mga talento sa buong Asia Pacific.
Kinikilala at ipinagdiriwang nito ang kahusayan sa programming, production at performance excellence sa industriya ng telebisyon at broadcasting sa Asya. (AC)


