Nahaharap sa attempted murder at iba pang kaso si Ivanna Ortiz, 36, matapos umano niyang paputukan ang mansyon ni Rihanna sa Los Angeles gamit ang assault-style rifle noong Marso 8.
Ayon sa mga prosecutor, 20 bala ang pinaputok patungo sa bahay kung saan naroon si Rihanna, A$AP Rocky at kanilang tatlong anak.
Tinamaan din ng mga bala ang isang trailer na nakaparada sa driveway.
Sinabi ng mga awtoridad na tumakas si Ortiz ngunit nahuli makalipas ang ilang minuto sa isang traffic stop.
Narekober sa kanyang sasakyan ang assault-style rifle, bala at iba pang gamit na umano’y konektado sa krimen. Naghain naman siya not guilty plea.
Samantala, itinaas sa $2.65 milyon ang kanyang piyansa at nakatakda siyang muling humarap sa korte sa Oktubre 29.
Ayon sa prosecution, kabilang sa mga kaso ang attempted murder, 10 counts ng assault gamit ang assault firearm at tatlong counts ng pagpapaputok sa isang occupied dwelling o sasakyan.
Maaari siyang maharap sa habambuhay na pagkakakulong kung mapatunayang guilty sa lahat ng kaso. (AM)


