WebClick Tracer

1,216 aplikante pasado sa PMA entrance exam

Inanunsyo ng Philippine Military Academy (PMA) nitong Huwebes na umabot sa 1,216 aplikante ang pumasa sa entrance examination nito.

Ayon sa PMA, katumbas ito ng 4.78% ng 25,452 kuwalipikadong aplikante na kumuha ng exam sa 48 testing centers mula Hulyo hanggang Setyembre 2026.

Nakatanggap umano ang military school ng kabuuang 36,596 online applications.

Mas mababa ng 5.28% ang bilang ng mga nakapasang aplikante ngayong taon kumpara noong 2025.

Sasailalim naman ang mga pumasa sa komprehensibong pagsusuri simula ngayong Oktubre sa V. Luna Medical Center sa Quezon City, na kinabibilangan ng complete physical examination, medical assessment at neuropsychiatric evaluation, ayon pa sa PMA. (AC)