WebClick Tracer

Wala pang 1 oras! Day 3 ng ‘Biyaheng Bente’ ni Yeng sa Araneta Coliseum, sold out agad

Patunay lamang na walang kupas ang hatid na musika ng OPM hitmaker na si Yeng Constantino matapos ma-sold out ang mga tiket para sa Day 3 ng kanyang 20th anniversary concert na “Biyaheng Bente” sa loob lamang ng wala pang isang oras!

Gaganapin ang naturang concert sa November 17 sa Araneta Coliseum.

Dahil sa bilis ng pagkaubos ng mga tiket, gulat at tuwa ang naramdaman ni Yeng habang naka-TikTok Live nitong Miyerkoles ng hapon nang inanunsiyo niya ang magandang balita sa kanyang fans.

Agad ding bumaha sa comment section ang pakiusap ng mga fan para sa karagdagang araw.

Bilang tugon sa mataas na demand, agad namang inanunsiyo ang Day 4 sa November 18, sa parehong venue na Big Dome.

Ang ticket selling para sa karagdagang Day 4 ay nagsimula ngayong alas-singko ng hapon sa pamamagitan ng TicketNet. (IS)