Umapela si Manibela Chairman Mar Valbuena sa Department of Energy (DOE) na tiyaking ibinibigay ng mga fuel retailer ang fuel discount sa mga jeepney driver.
Sa panayam sa programang “At the Forefront” ng Bilyonaryo News Channel, sinabi ni Valbuena na nai-report na nila ang ilang insidente kung saan hindi nagbibigay ng diskuwento ang mga gasolinahan.
“Nagdedepende kasi sa mga gasolinahan ‘yan. Minsan ayaw magbigay ng discount, minsan naman naka-offline sila, minsan cut-off na sila eh nakapila na kami,” ani Valbuena.
Dahil dito, napipilitan aniyang magpakarga ng gasolina ang mga tsuper kahit walang diskuwento.
“Sana ‘yan ang maintindihan ng Department of Energy, na i-check itong mga gasoline stations na ‘to o ang LGU, o kung sino mang sangay ng ahensya ng gobyerno na magche-check sa pagpapatupad ng discounted fuel,” dagdag niya.
Pinuna rin niya ang aniya’y mabagal na pagtugon ng DOE sa kanilang mga report.
Panoorin ang buong panayam sa September 30 episode ng “At the Forefront” ng Bilyonaryo News Channel.
Mapapanood ang programa tuwing Lunes hanggang Biyernes, alas-10:30 ng umaga, sa Free TV Ch. 31, Cignal Ch. 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TVs, Blast TV, AmasianTV, Cignal Play, BNC YouTube at Facebook. (AC)


