WebClick Tracer

Tulong sa pamilya ni Mary Jane Veloso bumuhos

Pamilya ni Mary Jane Veloso habang tumatanggap ng tulong at cash assistance mula sa gobyerno.

Matapos makalaya mula sa matagal na pagkakakulong ay bumuhos ang tulong ng gobyerno sa pamilya ni Mary Jane Veloso.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, naghatid ng cash assistance ang Department of Social Welfare and Development para kay Mary Jane, bukod pa sa hiwalay na tulong na ibinigay sa kanyang ama at ina.

Maging ang kanyang mga anak ay binigyan din ng cash assistance ng ahensiya para sa kanilang sustainable livelihood program para makapagsimula ng kanilang kabuhayan.

Sinabi ni Castro na mayroon ding ginagawang hakbang ang Department of Migrant Workers para makapagsimula si Veloso kabilang na ang livelihood starter kits, enterprise capital at skills training.

Sinabi ni Castro na sumasailalim din ngayon si Veloso sa psychosocial counselling para sa kanyang pagbabalik sa normal na pamumuhay at pagbabalik.ng kanyang dignidad at pag-asa para sa kanyang buong pamilya. (Aileen Taliping)