WebClick Tracer

Tarlac solon sinuspinde ng Sandiganbayan

Gusali ng Sandiganbayan na nag-utos ng preventive suspension laban kay Tarlac Rep. Noel Rivera.

Ipinag-utos ng Sandiganbayan Sixth Division ang 90-araw na preventive suspension kay Tarlac 3rd District Rep. Noel Rivera.

Sa resolusyong may petsang Setyembre 29, ipinag-utos ng Sandiganbayan ang preventive suspension kay Rivera bilang miyembro ng Kamara de Representantes at sa iba pang pampublikong posisyon na kanyang hawak o maaaring hawakan.

Humaharap si Rivera sa dalawang bilang ng kasong graft sa Sandiganbayan Sixth Division kaugnay ng umano’y conflict of interest sa mga proyekto ng gobyerno.

Sa kabuuan, siyam na bilang ng graft ang inihain ng Office of the Ombudsman laban kay Rivera. (AC)