WebClick Tracer

Supreme Court ibinasura 3 petisyon vs impeachment voting threshold

Supreme Court building with legal documents regarding the dismissed petition on the impeachment voting threshold.

Ibinasura ng Supreme Court ang tatlong petisyon na kumukuwestiyon sa desisyon ng Senate impeachment court na baguhin ang voting threshold para sa conviction ng isang impeached official.

Ayon sa SC, ibinasura ang mga petisyon sa procedural grounds, kabilang ang lack of standing at prematurity.

Kabilang sa mga naghain sina dating Executive Secretary Victor Rodriguez, Berteni Causing, at Atty. Ernesto Francisco Jr.

Hiniling ng mga petitioner na ibalik ang dating requirement na 16 na boto, o two-thirds ng 24 na miyembro ng Senado, alinsunod sa Article XI, Section 3(6) ng Konstitusyon.

Kinuwestyon nila ang bagong formula ng Senate impeachment court na nagpapahintulot na hindi isama sa denominator ang mga senador na hindi makalahok sa impeachment proceedings.

Iginiit nilang hindi maaaring baguhin ng Senado ang malinaw na constitutional requirement sa pamamagitan lamang ng isang procedural ruling.

Matatandaan na una nang nagdesisyson ang impeachment court sa voting threshold dahil ilang senador ang hindi personal na makadalo sa paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte. (AM)