Wala pa umano sa isip ngayon ni National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Manny Pacquiao ang politika dahil nakatuon umano ang kanyang pansin sa pagtulong sa mga tao.
“Wala pa sa ngayon, serve muna sa mga tao,” ani Pacquiao sa ambush interview sa Kamara kung saan kinilala ang kanyang presensiya sa sesyon ng kapulungan nitong Miyerkoles ng hapon.
Si Pacquiao ay inilutang na itatambal kay dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo sa 2028 elections subalit hindi siya nagbigay ng komento tungkol dito.
Tawa lamang ang tugon ni Pacquiao nang tanungin kung ano ang gagawin niya kapag inimbitahan muli siya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tumakbo sa anumang posisyon sa susunod eleksiyon.
Si Pacquiao ay nakalaban ni Marcos noong 2022 presidential election at noong 2025 ay kasama ito sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas senatorial slate subalit hindi ito pinalad at noong September 8, 2026 ay nanumpa siya bilang lead convenor at secretary ng NAPC. (Bernard Taguinod)


