WebClick Tracer

San Miguel Corp. nanguna sa PH companies sa ‘Best Employers’ sa mundo

San Miguel Corporation logo and headquarters in Mandaluyong City after ranking in the Forbes World's Best Employers 2026.

Nanguna ang San Miguel Corporation (SMC) sa mga kompanyang Pilipino na kasama sa listahan ng World’s Best Employers 2026 ng Forbes.

Pasok ang SMC sa Top 20 sa buong mundo, na nasa ika-16 na puwesto. Pinamumunuan ito ni Ramon S. Ang at nakabase sa Mandaluyong City.

Mula sa pagiging brewery na nagsimula noong 1890, lumawak na ang SMC at mayroon nang mga negosyo sa pagkain at inumin, finance, infrastructure, langis at enerhiya, transportasyon at real estate.

Inilabas ng Forbes ang listahan nitong Setyembre 29, 2026. Isinagawa ang ranking kasama ang Statista batay sa survey sa mahigit 300,000 empleyado mula sa higit 50 bansa.

Tinanong ang mga respondent kung irerekomenda nila ang kanilang employer sa kanilang pamilya at mga kaibigan.

Sinuri rin ang mga kompanya batay sa suweldo, oportunidad sa career advancement, work-life balance at reputasyon.

Kasama sa ranking ang 900 kompanya mula sa 52 bansa. Kuwalipikado sa listahan ang mga kompanyang may mahigit 1,000 empleyado at may operasyon sa iba’t ibang bansa.

Nanguna sa buong mundo ang Microsoft ng United States, habang nasa ika-900 puwesto naman ang Fast Retailing ng Japan.

Narito ang iba pang kompanyang Pilipino na kasama sa listahan:

Ayala Corp (80)

Metropolitan Bank & Trust (142)

LT Group (192)

JG Summit Holdings (238)

Century Pacific Group (261)

Jollibee Foods (384)

BDO Unibank (458)

(IS)