WebClick Tracer

Patrick Garcia: Hindi ko iniwanan si Jennylyn Mercado

Si Patrick Garcia habang nagbibigay ng panayam sa vlog ni Ogie Diaz tungkol sa nakaraan nila ni Jennylyn Mercado.

Matapos ang 18 taon, nagsalita na si Patrick Garcia tungkol sa naging hiwalayan nila ni Jennylyn Mercado noong 2008 nang buntis ang aktres sa anak nilang si Alex Jazz.

Sa vlog ni Ogie Diaz, ikinuwento ni Patrick ang kanyang panig tungkol sa nangyari at itinanggi niyang iniwan niya si Jennylyn noong nagbubuntis ito.

Ayon kay Patrick, hindi planado ang pagbubuntis ni Jennylyn pero handa naman umano siyang harapin ang sitwasyon. Agad din daw nilang sinabi sa kanilang mga pamilya ang tungkol dito.

Nauwi umano sa pagtatalo ang dalawa matapos ang naging sagot ni Patrick sa isang interview sa “The Buzz” nang tanungin siya kung ano ang gagawin niya sakaling malaman niyang hindi siya ang ama ng bata.

Matapos nito, sinabi ni Patrick na hindi na sinasagot ni Jennylyn ang kanyang mga tawag at hindi na rin siya pinapayagang pumunta sa bahay nito. Kalaunan nagpa-interview naman daw si Jennylyn sa “StarTalk”.

Ibinahagi rin niyang nalaman niya na may iba nang dine-date ang aktres — ang Filipino actor at TV host na si Andre Felix.

Sinabi rin ni Patrick na kaya “Alex Jazz” ang pangalan ng kanilang anak ay dahil Alexander ang tunay na pangalan ni Andre.

Nilinaw naman ng aktor ang matagal nang isyu na iniwan niya umano si Jennylyn noong nagbubuntis ito.

“Sa mga basher, bina-bash ako, they hate me so much because they’re saying na iniwanan ko si Jen. No, that’s not true! Hindi ko iniwanan si Jen. And sa ibang mga basher na nagsasabi na I was never there for Jen sa pregnancy niya, that’s true. I was never there for Jen during her pregnancy, not because I didn’t want to be there, but because she didn’t want me to be there. So, ‘yun ang totoo. That’s my story. This is the story I’ve been holding for 18 years na hindi ko sinasabi kasi, you know, baka makalimutan na lang. You know, baka move on na,” ani Patrick.

“But till this day, the words of Jen is haunting me, my family, my daughter. People are hating on us too much, and I think it’s unfair,” dagdag niya.

Napilitan umano siyang magsalita matapos sabihin sa kanya ng anak niyang si Michelle na nasasaktan ito sa patuloy na pamba-bash sa kanya sa social media.

“Actually, one day, my daughter, si Michelle, went up to me and said, ‘Daddy, I’m sad. Because every time there’s good news about me, in the comment section, it’s all bashing, and they’re bashing me because of you. Daddy, why don’t you tell your story? What really happened between you and your past?’ Sabi ko sa kanya, ‘Yeah, I can tell my story, but I cannot promise you na the bashing will stop, or could lessen, or it could worsen. Sabi niya sa akin, ‘Daddy, it’s okay, as long as they know the truth’,” saad ni Patrick. (IS)