WebClick Tracer

Palasyo: Susunod na lider ng bansa dapat maka-Pilipino

Malacañang press briefing kung saan binigyang-diin na ang susunod na lider ng bansa ay dapat maka-Pilipino.

Hangad ng Malacañang na ang susunod na magiging lider ng bansa ay maka-Pilipino at may puso para protektahan ang interes ng Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro para maipagpatuloy ang mga nasimulan ng Marcos administration.

Sinabi ni Castro na kabilang sa panalangin ng Palasyo ay magkaroon ng lider na magpoprotekta sa interes ng Pilipinas partikular na ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Castro na kung ang ang susunod na lider ay hindi maka-Pilipinas, malamang ay mababago kung ano man ang nakamit ng administrasyon sa pagprotekta sa karapatan ng mga Pilipino.

Nauna rito ay nagpahayag ng pangamba si Defense Secretary Gilbert Teodoro na baka magkaroon ng epekto sa momentum ng mga pagsisikap ng Marcos administration kung ang mahahalal na susunod na presidente ay hindi maka-Pilipino. (Aileen Taliping)