WebClick Tracer

Pagtaas ng passport printing cost hindi ipapasa sa mamamayan – PCO chief

Tiniyak ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez na hindi ipapasa sa mga Pilipino ang pagtaas ng gastos sa pagpi-print ng pasaporte.

Ayon kay Gomez, matagal nang hindi nababago ang kasalukuyang printing rate ng passport na umano’y mula pa noong 2016.

“Kung anuman ‘yung pagtataas ng printing cost ng passport, hindi natin ipapasa sa mamamayan,” ani Gomez.

Sa halip aniya, humihingi ng subsidy sa Department of Foreign Affairs (DFA) para matugunan ang nadagdag na production cost.

“‘Yung dagdag na cost ng passport ay hopefully manggaling doon sa budget ng DFA na ngayon nakasalang dito sa Senado at saka sa Kongreso,” sambit ng kalihim. (IS)