WebClick Tracer

Occidental Mindoro inuga ng magnitude 5.0 na lindol

Mapa ng Phivolcs na nagpapakita ng epicenter at tindi ng magnitude 5.0 na lindol sa Mamburao, Occidental Mindoro.

Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Mamburao, Occidental Mindoro nitong Miyerkoles, Setyembre 30.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang lindol bandang 9:34 ng umaga.

Natagpuan ang epicenter nito sa timog-kanluran ng bayan ng Mamburao.

Naitala ang Instrumental Intensity IV sa Mamburao at Sablayan, Occidental Mindoro.

Intensity III naman ang naitala sa Abra de Ilog at Looc sa Occidental Mindoro at sa City of Calapan, Oriental Mindoro.

Samantala, nakapagtala ng Intensity I sa San Jose, Magsaysay at Calintaan sa Occidental Mindoro, gayundin sa Victoria at Pinamalayan sa Oriental Mindoro.

Inaasahan naman ang aftershocks matapos ang lindol, ayon pa sa Phivolcs. (AM)