Muling ipatutupad ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa ilang lungsod sa Metro Manila simula Oktubre 5.
Isasagawa ang pagpapatupad sa ilalim ng Metro Manila Traffic Code of 2023 na naglalayong magkaroon ng mas pare-parehong sistema sa pagpapatupad ng mga batas-trapiko sa buong Metro Manila.
Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, layunin ng pagbabalik ng NCAP na makatulong sa pagpapanatili ng kaligtasan at disiplina sa kalsada.
“Simula October 5, 2026 muling ipapatupad ang No Contact Apprehension Policy (NCAP), para makatulong sa pagpapanatili ng kaligtasan at disiplina sa kalsada,” ani Moreno.
Kasunod ito ng pag-alis ng Korte Suprema sa temporary restraining order at pagbasura sa mga petisyon laban sa mga NCAP ordinance sa city-level. (IS)


