WebClick Tracer

‘Nanumbalik ‘yung dugong pinadanak niya’: Fr. Flavie napaiyak nang makita si Duterte sa ICC

Inamin ni Program Paghilom founder Fr. Flavie Villanueva na napaiyak siya nang makita si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa unang pagharap nito sa International Criminal Court (ICC) noong Setyembre 16.

Sa programang “On Point” ng Bilyonaryo News Channel, sinabi ni Villanueva na bumalik umano sa kanyang alaala ang mga biktima ng drug war ng administrasyong Duterte.

Kasama raw niya noon ang mga ina, balo at survivor, na aniya ay muling naalala ang mga dugong dumanak dahil sa kampanya kontra ilegal na droga.

“I admit that I cried, napaiyak ako dahil nakita ko ‘yung isang taong pinagkatiwalaan ng poder, ng kapangyarihan at paano niya inabuso ang kapangyarihang ito,” anang pari.

“Kasama ko ‘yung mga nanay, mga balo, mga survivor… nanumbalik ‘yung dugo na pinadanak niya sa bayan. But on a lighter side natuwa ako dahil una nakita ko na malusog siya at sana manatili siyang malusog,” dagdag niya.

Panoorin ang buong panayam sa September 30 episode ng “On Point”.

Mapapanood ang programa tuwing Lunes hanggang Biyernes, 7:30 ng gabi sa Free TV: Channel 31, Cignal: Channel 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TV, Cignal Play, at sa official YouTube and Facebook accounts ng BNC. (IS)