WebClick Tracer

Mga estudyante, guro sa Isulan National High School ligtas – Gov. Mangudadatu

Si Sultan Kudarat Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu kaugnay ng kaligtasan ng mga estudyante sa Isulan.

Ligtas ang lahat ng estudyante at guro sa Isulan National High School sa kabila ng napaulat na insidente ng pamamaril, ayon kay Sultan Kudarat Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu.

Sa isang Facebook post nitong Miyerkoles, sinabi ni Mangudadatu na walang kumpirmadong ulat ng nasawi o nasugatan kaugnay ng umano’y shooting incident sa naturang paaralan.

“To all parents and guardians, please do not panic. Based on the latest information available, all students and teachers are SAFE,” ani Mangudadatu.

Hinimok din niya ang publiko na manatiling kalmado at hintayin ang opisyal na anunsyo mula sa Isulan Municipal Police Station at lokal na pamahalaan ng Isulan.

“Authorities are currently on the ground and taking appropriate action to ensure the safety and security of everyone. Please avoid spreading unverified information. Stay calm. Stay informed. Rely on verified information,” dagdag niya. (AC)