WebClick Tracer

Magsasaka, mangingisda bokya sa tulong sa panahon ng super El Niño – Elago

Bagama’t seryoso ang banta ng super El Niño, hindi pa rin umano naglaan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para matulungan ang mga magsasaka at mangingisda upang hindi kapusin ang bansa sa suplay ng pagkain.

Ito ang nabatid kay Gabriela party-list Rep. Sarah Elago kaya sinisikap umano ng kanilang grupo na ipaglaban na buhusan ng pondo ang mga magsasaka at mangingisda sa ilalim ng 2027 national budget.

“Kinakailangang lakihan natin ang pondo para sa paghahanda sa banta ng super El Niño. Nakita natin sa agriculture, zero yung budget para sa assistant sa farmers at fisherfolks,” pahayag ng mambabatas.

Ang super El Niño ay nagsimula nang naramdaman sa iba’t ibang panig ng bansa mula noong Setyembre at magpapatuloy aniya ito hanggang December kung saan posibleng magpatuloy ito hanggang sa unang bahagi ng 2027

Ayon kay Elago, kailangan ang P242 bilyon para matulungan ang mga magsasaka at mangingisda upang subalit walang pondong inilaan ang gobyerno para sa mga ito at kung meron man aniya ay barya-barya.

“Ang challenge, di ba, nagpapatuloy yung paghirap ng mga farmers and fisherfolk natin dahil sa mataas na presyo ng langis, mataas ang cost of production. Kaya ang kinakailangan pondohan pa rin ‘yan. Hindi sapat na assistance lang. Dapat production source for farmers and fisher folk,” ani Elago.

Sa susunod na linggo ay inaasahang isasalang na ikalawa at ikatlong pagbasa sa House Bill (HB) 10858 o 2027 General Appropriation Bill (GAB) na nagkakahalaga ng P7.2 trilyon. (Bernard Taguinod)