Tiniyak ng National Unity Party (NUP) na hindi maaapektuhan ang liderato ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa kabila ng mga “concern” umano ng mga ito at ng iba pang partido sa national budget.
“Nakita mo siguro we are swearing loyalty to the leadership last sentence,” ani NUP Chairman at Deputy Speaker Ronaldo Puno nang tanungin kung ang isyung ito sa budget ay hindi makakaapekto sa liderato ni Dy.
“Ang point ko pwede kaming di mag agreee- pwede kaming magsabi ng ganito na hindi rebelde kaagad ang tingin- kasi yun ang problema sa kongreso natin na everytime you say something that other do not agree with pinaparusahan – hindi pwedeng ganun,” ani Puno.
“Pwede naman, we can disagree as gentlemen. We can disagree as civilized people without necessarily taking it into any of the unpleasant scenarios,” dagdag pa ng kinatawan ng unang distrito ng Antipolo City.
Ang NUP na may 58 miyembro ay magsusumite ng kanilang mga ‘concerns’ sa 2027 national budget na nagkakahalaga ng P7.2 trilyon sa Budget Amendments Review Committee (BARC) na pormal nang magpupulong bukas.
Kabilang sa mga nais ng NUP ay maglagay ng special provision sa General Appropriations Act (GAA) ukol Local Government Support Funds (LGSF) ukol kung magkano ang pondong ibibigay sa lahat ng probinsya, siyudad at mga bayan base sa prinsipyo ng “fiscal equity, proportional need at balance local development.
Kasama din sa nais ng NUP ay itigil na ang sistema sa For Later Release (FLR) sa mga proyekto, unahing ipatupad ang programmed funds kesa sa unprogrammed funds, ibawal ang pag-impound sa mga pondo at iba.
Inamin ni Puno idinulog na umano nila ang kanilang mga alalahanin kya House majority leader Sandro Marcos at hindi umano ito tumutol sa nais mangyari ng kanilang partido.
“To the credit of the Majority Leader, I think he does not subscribe to the Code of Silence in the House of Representatives. So he basically did not raise any objections to our party expressing our opinions on this matter,”ani Puno. (Bernard Taguinod)


