WebClick Tracer

Klase sa Isulan, Sultan Kudarat suspendido

Ang anunsyo ng suspensyon ng klase sa mga paaralan sa Isulan, Sultan Kudarat ngayong Setyembre 30.

Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga paaralan sa Isulan, Sultan Kudarat nitong Miyerkoles ng hapon, Setyembre 30, hanggang sa susunod na abiso.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Isulan, bahagi ito ng precautionary security measures upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral, guro at kawani ng paaralan.

“Hinihikayat ang lahat na manatiling kalmado, mapagmatyag, at sumubaybay lamang sa mga opisyal na pahayag at abiso mula sa Pamahalaang Lokal at mga kinauukulang awtoridad,” ayon sa lokal na pamahalaan.

Mananatili naman umanong prayoridad ng lokal na pamahalaan ang kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani ng mga paaralan.

Bago nito, sinabi ni Sultan Kudarat Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu na ligtas ang mga estudyante at guro sa Isulan National High School sa kabila ng napaulat na insidente ng pamamaril.

Wala rin aniyang kumpirmadong ulat ng nasawi o nasugatan sa ngayon, habang nasa lugar na ang mga pulis. (AC)