WebClick Tracer

Kamara pinagtibay resolusyon ng pagkilala sa bayani ng school shooting sa Tacloban

Si Chris Lorenz Fabian habang pinarangalan ng Kamara dahil sa kanyang kabayanihan sa Tacloban.

Pinagtibay ng Kamara de Representantes ang isang resolusyon na kumikilala at nagbibigay-pugay sa pambihirang katapangan at sakripisyo ni Chris Lorenz Fabian, na nag-alay ng kanyang buhay upang iligtas ang kanyang mga kapwa estudyante sa malagim na insidente ng pamamaril sa Tacloban City.

Ang House Resolution 1484, na inakda nina Speaker Faustino Dy III, Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos, at Minority Leader Marcelino Libanan, ay pinagtibay sa plenary session nitong Martes.

Noong Hunyo 22, dalawang estudyante ang nagpaputok ng baril sa kanilang mga kapwa estudyante sa San Jose Tacloban National High School.

“Amid the chaos, Scout Chris Lorenz Tanglao Fabian, a 15- year-old Grade 10 student, displayed extraordinary courage and selflessness, securing the classroom door to shield his classmates, sacrificing his own safety and ultimately his life to ensure theirs,” sabi sa resolusyon.

“Had it not been for his extraordinary bravery, heroism, and instinct to save lives, additional students or teachers might have perished on that fateful day, rendering his singular act of valor a shining embodiment of the noblest Filipino values of bayanihan, courage, and love for one’s fellowmen,” dagdag pa nito.

Iginawad kay Fabian ang Gold Gallantry and Heroism Award, ang pinakamataas na pagkilalang iginagawad sa isang scout na nagsagawa ng pambihirang pagsasakripisyo sa sarili o nagpakita ng pambihirang katapangan upang magligtas ng buhay sa paglilingkod sa iba.

Bilang pagpupugay sa kanyang sakripisyo at kabayanihan, si Fabian ay idineklara rin ng Pampanga Provincial Board bilang “Pride of Pampanga.”

“WHEREAS, in profound recognition of his exceptional heroism and paramount act of self-sacrifice, the House of Representatives joins the Filipino people in honoring the life of Scout Chris Lorenz Tanglao Fabian, a young man whose valor will forever be etched in the nation’s memory and whose courage will continue to inspire future generations to uphold the enduring values of integrity, compassion, resilience, and unwavering love for one’s fellow Filipinos,” ayon pa sa resolusyon. (Billy Begas)