Tagumpay ang pilot telecast ng reality show ng mag-asawang Gwen Zamora-Semerad at David Semerad, ang “The Semerads, Halfie Together” na ipinalabas noong nakaraang linggo sa Bilyonaryo News Channel.
Dinaluhan at sinuportahan sina Gwen at David ng kanilang mga kaibigan at pamilya sa ginanap na watch party sa isang resto sa Makati.
Pero ang nakakagulat sa event ay ang pagbalandra ng pagdadalantao ni Gwen sa kanilang ikatlong baby. Sabi nya early next year sya sa manganganak.
Biro nga namin kay Gwen matapos syang magpapa-payat bunga ng kanyang matinding working-out sa gym, nabuntis naman sya.
“Oh, i’m still working out. Pero hindi na gaya ng dati.” banggit ni Gwen agad sa amin.
Kuwento nina Gwen at David, hindi nila inaasahan na magkakaroon sila ng reality show.
Nang i-alok sa kanila kung gusto nilang magkaroon ng show sa BNCPh, agad nila itong tinanggap.
Ang daming pasabog sa pilot telecast gaya ng kung paano nag-meet sina David at Gwen.
Nang magkapulsuhan ng kanilang mga damdamin, nagsabong agad raw ang dalawa sa kama.
Hindi nga tumatagal ang kanilang pagiging mag-dyowa dahil nagpakasal na sila agad.
Walang itinago sina Gwen at David sa kanilang show lalo na sa pagiging mainit nila sa kama.
Yan ang susunod nating isusulat na ikaloloka at ikaka-baliw ninyo.
Samantala, mapapanood tuwing linggo, 7PM sa Bilyonaryo News Channel ang “The Semerads, Halfie Together”. (Rey Pumaloy)


