WebClick Tracer

Gov. Mangudadatu nilinaw: Walang nangyaring pamamaril sa Isulan iskul

Si Sultan Kudarat Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu habang nagbibigay linaw sa insidente sa Isulan High School.

Nilinaw ni Sultan Kudarat Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu nitong Miyerkoles na walang nangyaring pamamaril sa Isulan National High School matapos maalarma ang mga estudyante at guro dahil sa isang malakas na tunog.

Sa isang pahayag, sinabi ni Mangudadatu na batay sa ulat ng Sultan Kudarat Provincial Police Office, hindi baril ang pinagmulan ng naturang tunog at posibleng dulot ito ng problema sa electrical wiring.

Wala rin umanong nakitang bala sa lugar matapos ang isinagawang imbestigasyon.

Patuloy namang sinusuri ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang paaralan kaugnay ng posibleng isyu sa electrical wiring.

Wala ring naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente.

Tiniyak ni Mangudadatu ang pagpapanatili ng kaayusan sa lugar ng municipal government ng Isulan sa pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad habang nagpapatuloy ang assessment.

“We assure all parents and the public that the situation is under control. Please remain calm and rely only on official and verified information from the concerned authorities. The safety and well-being of our students and teachers remain our utmost concern,” ani Mangudadatu. (AC)