WebClick Tracer

Ex-Speaker Velasco hinimok na magpakita, magpaliwanag kaugnay sa umano’y male-maletang pera

Former House Speaker Lord Allan Velasco speaking during a press briefing regarding the money controversy.

Pinayuhan ng Malacañang si dating House Speaker Lord Allan Velasco na magpaliwanag at ibigay ang kanyang panig kaugnay sa diumano’y male-maletang pera na idineliver ng kanyang dating security aide sa pamilya Duterte.

Kasunod ito ng ulat ng Bureau of Immigration na lumabas na umano ng bansa si Velasco matapos lumutang ang kanyang dating aide na si dismissed patrolman Rodulfo Gracioso at ibinunyag na nag-deliver diumano ito ng ilang maleta ng pera sa pamilya Duterte galing sa dating House Speaker.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, mas mainam kung magpaliwanag si Velasco sa halip na magtago at mangibang bansa.

Sinabi ni Castro na hindi masabi sa ngayon kung nagbabakasyon lamang si Velasco o natatakot siya matapos mabanggit ang kanyang pangalan sa isyu ng male-maletang umanong pera.

Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isyu at kinumpirma rin ni NBI Director Melvin Matibag na sinalakay ang tahanan ng kongresista sa Valle Verde noong nakalipas na buwan hindi dahil sa isyu ng male-maletang pera kundi dahil sa ulat na mayroon umanong matataas na kalibre ng baril na nakatago sa kanyang tahanan. (Aileen Taliping)