Pinupulutan na naman si Moira Dela Torre ngayon ng maraming netizen kaugnay sa na-postpone nyang concert na dapat sana ay magaganap ngayong unang linggo ng October sa MOA Arena.
Hindi pa nga humuhupa ang naging sagot ni Moira sa nakaraang mediacon para sa concert tungkol sa paga-unfollow sa kanya ng ilang mga kakilala at kaibigan, isa na namang isyu ang naging sentro ng reaksyon ng mga netizen.
Ikinagulat nang marami ang naging announcement ng Ovation Productions na syang producer ng “Moira” .
Agad naman itong pinulsuhan ng maraming netizen gaya ng hinalang mababa ang ticket sales.
“Low ticket sales?”
“Poor ticket sales for Moira”.
“Last minute na nag-announce na hinai pala matutuloy haha. Baka 10% lang bumile ng ticket. @moiradelatorre sa showtimw nga libre na mag plug, nagpabebe ka pa, ayan tuloy.”
Ilan naman ang nataranta lalo na doon sa mga nakapag-booked na ng byahe para mapanood lang ang concert.
Nagastusan raw sila ng malaki dahil sa mga flight na naka-booked na at sa mga hotel.
“This is so sad. We’ve already booked our flights and hotel just to watch her concert.”
“Sayang yung flight and accommodation namin. We planned ahead of time para mawatch si ate moi tapos maabutan naming ganito, you can do better”
Hindi tinatanggap ng ilan ang simpleng announcement lang ng producer, kailangan raw ng paliwanag sa dahilan ng postponement lalo’t hindi na nila maibabalik pa ang nagastos sa damit, hotel accommodation, bayad sa airfare.
May ilang kalmado lang at positibo sa nangyari.
“No matter how it takes, i will wait ate moi.”
“Let’s be considerate na lang. Anyways….love love love natin sya.”
“Yes, makakapag-ipon pa.”
Samantala, matapos ibida ng Ovations productions noong September 10 na sold out na ang box regular na may presyong 1,750 pesos, hindi na ito nag-update pa sa daloy ng ticket sales. (Rey Pumaloy)


