WebClick Tracer

Dennis Trillo ‘hinamon’ ng dance showdown si Patrick Garcia

Pabirong hinamon ni Dennis Trillo ng dance showdown si Patrick Garcia, na tatay ng kanyang stepson na si Alex Jazz.

Sa isang social media post, sinabi ni Dennis na maaari silang mag-dance battle kapag umabot sa 10,000 likes ang kanyang post.

“Gusto mo dance showdown na lang tayo eh!!! Kapag naka-10k likes… ituloy natin ang dance battle,” saad ng aktor.

Pero agad namang nilinaw ni Dennis na biro lamang ang kanyang sinabi at walang totoong dance showdown na magaganap.

“Joke lang po, wag niyong seryosohin. Walang showdown na magaganap,” aniya.

“Wag na kayong umasa, walang magaganap na showdown! Alam na naman natin sino mananalo, joke lang po,” dagdag niya.

Bago nito, nag-post na si Dennis ng reaksiyon sa naging pahayag ni Patrick sa isang panayam tungkol sa dati nitong relasyon kay Jennylyn Mercado, na nauwi sa hiwalayan. Si Jennylyn ay asawa na ngayon ni Dennis.

Sa kanyang naunang post, sinabi ni Dennis na hindi siya pabor sa bashing at nagpasalamat kay Patrick dahil naalala si Jazz.

“Hindi ako pabor sa bashing, pero salamat at naalala mo si Jazz dahil na bash ang anak mo,” pagsisimula ni Dennis.

“Spread love, not hate,” pagpapatuloy pa ng aktor. (IS)