WebClick Tracer

Dennis Trillo bumoses kay Patrick Garcia: Naalala mo lang si Jazz dahil na-bash anak mo!

Nagsalita na si Dennis Trillo sa pinag-uusapang interview kay Patrick Garcia kung saan muling naungkat ang relasyon niya dati kay Jennylyn Mercado, at kung paano nito hinarap ang maging ama sa naging bunga ng kanilang pagmamahalan noon, na si Alex Jazz.

Ayon sa mister ngayon ni Jennylyn na si Dennis, ikinalungkot niya na malamang naba-bash ang anak ni Patrick na si Michelle Celeste Garcia. Ngunit binanatan niya sa Patrick na kaya lang nito naalala ang anak niya kay Jennylyn dahil na-bash ang anak niyang babae kay Nikka Martinez.

“Hindi ako pabor sa Bashing, pero salamat at naalala mo si Jazz dahil na bash ang anak mo. Spread Love not Hate [heart emoji],” pahayag ni Dennis, via Instagram story nitong Setyembre 30.

Nauna nang nabuhay ang masalimuot na nakaraan nina Jennylyn at Patrick sa exclusive interview ni entertainment vlogger Ogie Diaz sa YouTube na pinost nitong Martes.

“One day, my daughter, si Michelle, went up to me and said, ‘Daddy, I’m sad.’ Sabi ko, why? ‘Because every time there is good news about me, in the comment section, it’s all bashing. And they’re bashing me because of you,’” isa sa mga naging pahayag ni Patrick sa naturang interview.

Dinepensahan ni Patrick ang kanyang sarili sa mga batikos sa kanya, partikular sa kung paano ito maging ama kay Alex Jazz. Aniya, matagal na silang hindi nagkikita sa personal ni Alex Jazz dahil tila binabawalan ito at pinagsasarhan siya ng pinto ng ina nitong si Jennylyn.

“I’ve been messaging since 2018, and I get no reply,” say pa ni Patrick.

Hindi niya umano iniwanan noon si Jennylyn. Pero inamin niyang wala siya sa tabi ng aktres sa mga panahong nagdadalang-tao ito.

“Sa mga bashers na nagsasabi na I was never there for Jen sa pregnancy niya, that’s true,” wika pa ni Patrick.