Puring-puri ni David Licauco ang bago niyang ka-love team sa lalabas nilang na series na si Ashtine Olviga.
Tampok sina David at Ashtine sa isang romcom Pinoy adaptation mula sa Korean series na “Fight for My Way” na parehong title sa series ng dalawa.
Sa grand mediacon, ramdam na kaagad ang good vibes kina David at Ashtine na nagkakabiruan at nagtatawanan sa stage.
Ganundin naman ang dalawa pa nilang mga co-stars na sina McCoy De Leon at Aubrey Caraan.
Deskripsyon nga ni David kay Ashtine sa panayam namin na “Cute” raw ang aktres, “Mabait” at “Down-to-Earth” at walang ere kahit na big star.
Hindi na raw nagtaka si David kung bakit love ng kanyang mga tagahanga si Ashtine dahil sa ganitong qualities na taglay ng aktres.
Sa presscon proper nga pinuri rin ni David ang husay sa acting ni Ashtine. at sigurado syang magiging maganda ang chemistry nilang dalawa sa trabaho.
Ipinaliwanag naman ni David kung bakit naging kampante kaagad sya sa company nina Ashtine at Aubrey, ganundin kay McCoy, lalo’t kilala sya sa pagiging non-chalant, tahimik.
“They made me feel welcome. I’m happy na ganun sila sa akin.”
Isa rin sa ikinukunsidera ni David na rason kung bakit ipinaramdam kaagad ng mga nasabing Viva Artists na welcome sya.
Baka raw kasi galing sya sa Kamuning network at gusto nilang maging kampante ito sa kanila para maging magaan agad ang samahan nila sa set.
Ngayong October pa ang shooting ng “Fight for my Way” at ipapalabas ito sa VivaOne ngayong November. (Rey Pumaloy)


