WebClick Tracer

Brice Hernandez, 6 iba pa naghain ng ‘not guilty’ plea sa P77M ghost project

Si dating DPWH Bulacan engineer Brice Hernandez kaugnay ng paghahain ng not guilty plea sa Sandiganbayan.

Naghain ng ‘not guilty’ plea si dating DPWH Bulacan engineer Brice Hernandez at anim pang indibidwal sa graft case kaugnay ng umano’y ghost flood control project sa Balagtas, Bulacan na nagkakahalaga ng P77 milyon.

Ipinasok ni Hernandez ang kanyang plea sa Sandiganbayan Fifth Division nitong Miyerkoles, kasama sina Jaypee Mendoza, Arjay Domasig, Niño Lawrence Morales, Juanito Mendoza, Floralyn Simbulan, at Christina Mae Pineda.

Samantala, tatlo pang kanilang kapwa akusado ang hindi na-arraign dahil nananatiling at large, kabilang si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co at staff nitong sina John Paul Estrada at Mark Tecsay.

Matatandaang ayon sa Ombudsman, sinimulan ang proyekto noong Pebrero 2025 at sinabing natapos noong Mayo 2025, ngunit natuklasang wala umanong aktuwal na proyekto nang inspeksyunin ang lugar. (AM)