Nagpapakita umano ang testimonya sa impeachment court ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang kawalan niya ng personal na kaalaman tungkol sa ugnayan ng GenCorp Industries Inc. sa kanyang lungsod at kay Vice President Sara Duterte.
Inihayag ito ni law dean Tranquil Salvador III, dating defense counsel sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona, sa panayam ni Willard Cheng sa programang “On Point” ng Bilyonaryo News Channel.
“Ang tingin ko, ang strongest na napakita niya (Baste) ay wala siyang involvement. And therefore, he has no personal knowledge. He is not even in a position to say anything there,” pahayag ni Salvador.
Kasunod ito ng testimonya ni Mayor Baste sa ika-31 araw ng impeachment trial na hindi niya alam ang ugnayan ni VP Sara sa GenCorp at hindi rin niya sinuri ang records ng kompanya, na nanalo ng 19 na kontrata mula sa Davao City simula 2022.
“Ang dapat, ito lang pananaw ko, mag-isip sila ng paraan paano nila mako-connect-connect iyan. Medyo that would require a little bit of work, a little bit of analysis, trying to reach out to the right people who will say this,” ani Salvador.
Hindi rin umano dapat nakabatay sa hearsay ang magiging testimonya ng sinasabi niyang “right people”.
“This would be the people who would have known them, who have personal relationships with them and in a position to say this. Either business relationships or personal relationships,” ani Salvador.
Matatandaang nasangkot ang GenCorp sa impeachment trial ni VP Sara kaugnay ng unexplained wealth, kung saan nakalista siya bilang stockholder ng kompanya.
Panoorin ang buong panayam kay Salvador sa September 29 episode ng “On Point”.
Maaari namang abangan ang programa tuwing Lunes hanggang Biyernes, 7:30 ng gabi, sa Free TV Ch. 31, Cignal Ch. 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TVs, Blast TV, AmasianTV, Cignal Play, BNC YouTube at Facebook.


