Naniniwala ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña na takot sa ebidensya at may allergy umano sa maganda ang mga basher ni prosecutor at San Juan Rep. Ysabel Maria Zamora.
“Yung mga misogynist na bashers ni Rep. Bel Zamora, maliban sa takot sa ebidensya, may allergy sa maganda,” ani Cendaña.
Hindi lingid na lahat na pinutakte ng mga bashers si Zamora matapos itoka siya ng prosecution panel na idirect exam si Philippine National Police – Firearms and Explosives Office (PNP-FEO) Records Division Chief Police Major Joericson Sangalang sa Impeachment trial noong Lunes, September 28.
Kaugnay ito ng 52 baril ng mag-asawang sina Vice President Sara Duterte at Atty. Manases Carpio na hindi idineklara ng pangalawang pangulo sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).
Matapos ito ay pinutakte na ng mga bashers pagkatao at pagiging babae mambabatas na anak ni dating Congressman Ronaldo Zamora.
“We stand with Rep. Bel Zamora against the misogynistic comments and personal attacks directed at her online following her role in the impeachment trial,” ayon naman kay Gabriela party-list Rep. Sarah Elago.
Dismayado ang mambabatas dahil sa halip na pag-usapan ang isyung nakahapag aniya sa impeachment trial, ang naging atake aniya ay nakatuon sa pagkatao at pagiging babae ni Zamora.
“Hindi dapat maging normal ang ganitong asal online. May karapatan ang kababaihan na magsalita, magtanong, at makilahok sa mga pampublikong usapin nang hindi minamaliit, binabastos, o tinatakot dahil lamang sa kanilang paninindigan,” ani Elago.
“Huwag ilihis ang usapin. Mahalagang busisiin ang mga isyung inihapag mismo ni Rep. Zamora. Kasabay nito, dapat ding managot ang mga nagpakawala ng misogynistic at personal na atake laban sa kanya,” dagdag pa ng mambabatas. (Bernard Taguinod)


