Sa kanyang latest post, pinakita ni Alex Gonzaga ang isang litrato na makikita ang first born nila ni Mikee Morada na si Baby Isaac, katabi ang sangkaterbang used medical syringes. Aniya, ganoon karaming injectables ang tiniis niya, mailuwal lang sa mundo ang kanilang baby boy.
Pagpapakita niya na rin ito kung gaano kalaki ang sakripisyo ng isang inang tulad niya.
“Our little Family [white heart emoji],” caption ni Alex sa kanyang social media post nitong Setyembre 30.
Dito ay larawan ng isang masaya at buong pamilya ang eksena nila. Kasunod naman nito ang litrato ni Baby Isaac katabi ang mga nagamit nang panturok sa katawan ni Alex.
“All the injections we took just to have Isaac,” paliwanag naman niya sa litratong iyon.
Agosto 27 ngayong taon nang isilang ng actress/vlogger si Baby Isaac.
May isa ring black and white photo kung saan pinapakita kung gaano nila alagaan ngayon ang kanilang first born. Hawak dito ni Mikee ang isang hair brush para kay Baby Isaac.
“Papa and mama as stage parents,” ani Alex.
“And mama will do it all over again just for you,” hiwalay na video post pa ni Alex, kung saan pinaligiran niya ng mga nasabing injectibles si Baby Isaac, na payapang natutulog sa isang baby basket.
Ganoon na nga lang ang handang pagdaanan na paghihirap ni Alex, para lang sa kanilang 1-month old nang anak, na kaytagal din nilang hinintay. (Jun Lopez)


