Umabante sa semifinals ng 2026 Asian Games si Filipina tennis star Alex Eala matapos talunin si Joanna Garland ng Chinese Taipei, 7-5, 6-0, sa quarterfinals nitong Miyerkoles, Setyembre 30, sa Higashiyama Park Tennis Center sa Japan.
Dahil sa panalo, nakasiguro na si Eala ng bronze medal sa kanyang kampanya sa continental sports event.
Hindi naging madali para kay Eala ang unang set matapos siyang makipagsabayan kay Garland. Gayunman, naitabla niya ang laban at nakuha ang 7-5 panalo.
Pagdating sa second set, tuluyang kinuha ni Eala ang kontrol sa laro at hindi na binigyan ng pagkakataon si Garland, 6-0, para selyuhan ang kanyang tiket sa Final Four.
Makakaharap ni Eala sa semifinals ang mananalo sa quarterfinal match sa pagitan nina Xiyu Wang ng China at Moyuka Uchijima ng Japan.
Bagama’t siguradong may bronze medal na, target pa rin ni Eala ang gintong medalya sa Asiad. (IS)


