Kuala Lumpur – Ang malawakang pagdami ng mga pekeng sigarilyo sa Pilipinas, partikular na sa mga madaling mapasok na mga boarder ng Mindanao, ay hindi lamang ninanakawan ang pamahalaan ng daan-daang bilyong piso sa mga nawalang kita kundi ginagamit din para pondohan ang lokal na terorismo.
Ito ang kinumpirma ni Shaiful Mahpar, corporate affairs and communications director of JTI Philippines – ang manufacturer ng Winston, Camel, Mighty at Mevius cigarette brands – habang nagsasagawa si JTI regional director for North Asia and South Asia Valentin Dinca ng press briefing noong Lunes.
Ang Kuala Lumpur ang regional headquarter ng JTI para sa South Asia.
Ayon kay Mahpar, mismong ang US State Department ang nagkumpirma sa nasabing report bagama’t wala siyang kumpletong detalye tungkol dito.
“There is the State Department report. There was this incident where (ibang brand ng sigarilyo) was mentioned and that they were using illegal cigarette smuggling to fund ISIS,” sabi niya, patungkol sa international terrorist group sa Middle East.
Nang tanungin kung may posibilidad na pinopondohan ang mga local terror group sa Mindanao, kinumpirma naman ito ni Mahpar.
“Yes, it is funding local terrorism. I think there was also a report in Asia as well regarding southern Mindanao. I believe so. I read that report.”
Hindi naman makumpirma ng Malaysia JTI official kung anong local armed group ang nasa report – Moro Islamic Liberation Front (MILF), Moro National Liberation Front (MNLF), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) o iba pang grupo ng Muslim.
Sa July 2026 report ng UN Office on Drugs and Crime, nabanggit doon ang MILF, MNLF at breakaway group BIFF, kasama ang bahagi ng Bangsamoro Autonomous Regional in Muslim Mindanao.
Ang UN report ay pinamagatang: “An interconnected criminal ecosystem: Transnational Organized Crime Threat Assessment for Southeast Asia and the Pacific”.
Umabot sa P56.3 bilyon ang nawawalang revenue ng gobyerno noong 2024 habang P61.8 bilyon naman noong 2025, batay sa datos Euromonitor International 2023 study by the European Union on the ASEAN Business Council.
Ito ay bukod pa sa P23 bilyong kitang nawawala mula sa non-tobacco Vape industry kung saan P10.8 bilyon ang naitala noong 2024 at 12.2 bilyon naman noong 2025. (Dindo Matining)


