WebClick Tracer

Surfer Jayuard Alciso sumungkit ng Asian Games bronze para sa ‘Pinas

Nagdagdag ng medalya para sa Pilipinas si surfer Jayuard Alciso matapos masungkit ang bronze medal sa men’s shortboard event ng 2026 Asian Games sa Japan nitong Martes, Setyembre 29.

Tinalo ni Alciso ang kapwa Pinoy na si Toby Espejon sa all-Filipino bronze medal match na ginanap sa Pacific Long Beach.

Nagtala si Alciso ng 11.64 points, habang 8.90 points naman ang nakuha ni Espejon.

Ang bronze medal ni Alciso ang ika-16 na medalya ng Pilipinas sa quadrennial tournament. (IS)