Nakatulong ang pagkakaroon ng stable internal peace and security (SIPS) sa pagpasok ng mga bangko, hotel, resort at iba pang negosyo sa Palapag, Northern Samar, ayon kay Mayor Florencio “Fawa” Batula.
Sa programang “The Commanders” ng Abante, simulcast sa Bilyonaryo News Channel, ibinahagi ni Batula na isa sa mga requirement ng isang bangko bago magtayo ng branch sa kanilang lugar ay ang maayos na peace and security condition.
“No investor would have to trust in my administration, in my town kung alam nilang meron pang presence of insurgency,” ani Batula.
Ayon sa alkalde, naging posible ang naturang development matapos magtulungan ang local government at uniformed personnel upang mapanatili ang kapayapaan sa kanilang lugar.
“Lalo na ngayon naging stable internal peace condition na po. So the DBP has to signify dahil na SIPS na po, mas pumasok na ang iba’t ibang investors, hotels, businesses, resorts and of course other kinds of businesses na nabibigyan ng opportunity,” dagdag niya.
“So when there is peace, opportunity of economic progress and development comes and follows,” sabi pa niya.
Dahil dito, hinikayat ng alkalde ang mga residente at barangay officials na ipagpatuloy ang kanilang pakikipagtulungan upang mapanatili ang peace and security condition sa kanilang lugar.
“Kaya ang lagi kong kinakausap sa mga taong bayan, tulungan natin lalong-lalo ang pagsustain natin sa internal peace condition ng bayan. Ito ay para sa long lasting peace na hinahanap natin,” ani Batula.
Panoorin ang buong panayam sa September 29 episode ng “The Commanders” sa Abante at simulcast sa Bilyonaryo News Channel.
Mapapanood ang programa tuwing Lunes hanggang Biyernes, alas-5 ng hapon, sa Free TV Ch. 31, Cignal Ch. 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TVs, Blast TV, AmasianTV, Cignal Play at sa YouTube at Facebook accounts ng Abante. (AC)


