WebClick Tracer

Sandiganbayan ibinasura ika-2 hirit ni Revilla para sa inhibition ng hukom

Dating Senador Bong Revilla habang nakaharap sa pagdinig sa Sandiganbayan hinggil sa kanyang hiling na makadalo sa burol.

Ibinasura ng Sandiganbayan Third Division ang ikalawang hiling ni dating Senador Bong Revilla para sa voluntary inhibition ni Associate Justice Karl Miranda mula sa kanyang kasong malversation kaugnay ng umano’y ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Sinabi ng korte na walang batayan ang petisyon ni Revilla at pinatutuloy si Miranda sa kanyang tungkulin sa pagdinig sa naturang kaso.

Bago nito, iginiit ni Revilla na kapatid ni Miranda si Atty. Buenaventura Miranda, na nagsilbing legal counsel ni dating Public Works Undersecretary Roberto Bernardo sa mga nakaraang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee. (AC)