Walang epekto sa prosecution panel ang ruling ng impeachment court na hindi maaaring pilitin ang respondent na si Vice President Sara Duterte na humarap nang personal sa impeachment trial, aminin man o kaya’y itanggi ang mga record na may kaugnayan sa kanyang bank at financial records.
“This is not a setback, I think. You know, even if the ruling was adverse to the prosecution, I think we will still continue with the strategy, the plan of the prosecution,” pahayag ni prosecutor at San Juan Rep. Ysabel Maria Zamora.
Una rito naghain ang prosecution team ng “request for admission” upang alamin kung ang mga bank record na isinumite ng mga bangko ay pag-aari o hindi ng pangalawang pangulo na tinututulan ng mga abogado ni Duterte.
Hindi ito pinayagan ni presiding officer Sen. Francis “Chiz” Escudero dahil labog umano ito sa constitutional rights against self-incrimination ng respondent subalit ayon kay Zamora hindi ito setback sa kanilang panig.
Ayon naman kay prosecution spokesman at adviser Robert Ace Barbers, ang nasabing ruling ay hindi magpapatigil sa kanila para ilantad ang mga bank records ng pangalawang pangulo at mister nito na si Atty. Manases Carpio.
“We’re glad that they’ve ruled that they will accept and admit the records as part of the evidence that the prosecution panel will deliberate on,” paliwanag ng dating mambabatas.
“Magandang development ’yan dahil, in the first place, tayo nga’y nag-request—ang prosecution nga nag-request—na ito ay ma-subpoena, nang sa ganoon ay mapag-usapan at magkaroon ng kalinawan tungkol dito sa usapin ng mga bank records na ito,” dagdag pa ng mambabatas. (Bernard Taguinod)


