“They should get a life.” Ito ang mensahe ni prosecutor at San Juan City Rep. Ysabel Maria Zamora matapos siyang kuyugin ng mga basher matapos nitong ipresenta ang isyu ng mga baril ni Vice President Sara Duterte at ng mister nitong si Atty. Manases Carpio na hindi idineklara sa kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).
Partikular na sa pinuntirya ng mga basher ay pagkababae ni Zamora kung saan inamin nito na nalungkot siya dahil hanggang ngayon maraming Pilipino ang ganito ang pag-iisip subalit hindi umano ito apekatdo.
“First, it’s so unfortunate that a lot of Filipinos are still think that way. They still make misogynistic remarks, especially directed towards women, girls, who apparently are smart and can speak well and can be a lawyer in an impeachment court,” ani Zamora.
“So, siguro, they can’t handle such, they can’t handle style. And well, really, I don’t care if they bash me. I’m here to do my job. And let’s see. Yun lang. I mean seriously, di ba? They should get a life,” dagdag pa ng mambabatas.
Ipinagmalaki din ng anak ni dating Congressman Ronaldo Zamora na isa siyang cum laude sa University of the Philippines Diliman.
Kabilang sa mga basher ni Zamora si expelled Cavite Rep. Kiko Barzaga dahil sa kanyang social media post na quote card ukol sa tanong mambabatas kay Police Major Joericson Sangalang ng Firearms and Explosive Office ng Philippine National Police (FEO-PNP) na “Mister Witness, tama ba na ating Vice President ay may ganitong kalaking baril?” at may larawan ang mambabatas na sa ibaba ay nilagyan niya ito ng VivaMax.
Hindi rin nagpahuli si dating Commission on Election (Comelec) Commissioner Atty. Rowena Guanzon dahil sa kanyang post na, “Akala niya nakakaakit ang ganda nya wahahaha.” (Bernard Taguinod)


