WebClick Tracer

Prosecution kay Baste: ‘We’re not born yesterday’

Hindi umano ipinangangak kahapon ang prosecution team para paniwalaan ang pahayag ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na hindi nito alam na ang kanyang business partner na si Jaime Cruz ang may-ari ng Gencorps Industries Inc. dahil sa dami aniya ng kanyang ginagawang trabaho.

“We’re not born yesterday,” ani prosecution spokesman at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong.

Sa pagharap ni Mayor Duterte sa impeachment trial laban sa kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte, hindi nito alam na idineklara ng pangalawang pangulo sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) noong 2024 at 2025 ang Gencorps.

Maging si Cruz na kasosyo ng Alkalde sa Chinese Gen Bee Food Corporation ay hindi umano nito alam na isa sa may-ari Gencorps dahil wala umano itong oras para alamin ito dahil sa dami ng kanyang ginagawa.

“Kung ikaw isang mayor, di dapat talagang alamin mo kung sino yung mga active businessmen sa yung city kasi sila ang nagbibigay sa ‘yo ng …nagko-contribute sa yung local economy,” ani Adiong.

“Hindi kapanipaniwala just to give you a straight answer, na ang isang alkalde ay hindi alam kung sino ang pag-aari, sino ang mga stockholders dito nanalo na consistently ng negotiated contracts,” dagdag pa ng mambabatas.

Maliban dito, isa sa patakaran para makasali umano sa bidding ang isang kumpanya ay kailangang hindi bababa sa 5 ang kanilang outlets sa kanilang siyudad at 5 taon nang nasa negosyo.

“Hindi mo man lang tinanong kung sino itong may aari ng mga stores and shops na ito. So mukhang we were not born yesterday, alam natin sa isang alkalde alam niya ang ins and outs ng kanyang city. And signing of voluminous papers does not give one to be blinded or excuse to be blinded especially on matters relating to the economy of his own constituents,” ayon pa kay Adiong.

Ayon naman kay prosecutor at Manila Rep. Joel Chua dahil wala aniyang BAC (Bids and Awards Committee) sa buong bansa ang magbibigay aniya ng patakaran na walang utos ang Mayor. (Bernard Taguinod)