WebClick Tracer

Piston nagbabala sa Manibela: Pag-isipan ang tindig sa Marcos admin

Hinimok ni Piston President Mody Floranda si Manibela Chairman Mar Valbuena na pag-isipang mabuti ang magiging tindig nito sa pakikipag-usap sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos tungkol sa mga panawagan nila para sa sektor ng transportasyon.

Kasunod ito ng pahayag ni Valbuena na hindi na itutuloy ng kanilang grupo ang nakatakdang transport strike matapos ang pabirong suhestiyon ni First Lady Liza Araneta-Marcos na itigil na ang protesta dahil handa naman umanong tumulong ang pamahalaan.

“Sa akin ay pag-aralan niya ang kanyang magiging tindig doon sa sa sinasabi ni Liza Araneta. Baka mamaya bigla siya ikahon ng administrasyon. Ibig sabihin ba niyan kapag tumataas ang presyo ng petrolyo, kapag sinusupil ang karapatan ng mga driver at operator, hindi na siya titindig para sa kanyang miyembro?” ani Floranda sa Bilyonaryo News Channel.

Matatandaang sinuspinde ng Manibela ang welga nito upang makipag-usap sa Land Transportation Office nitong Martes, Setyembre 29. (IS)